Showing posts with label The Filipino Language. Show all posts
Showing posts with label The Filipino Language. Show all posts

Sunday, October 20, 2013

GMA News' Katipunan: Unang Kabanata

GMA News and Public Affairs did it again!

I hope this series reaches all Philippine classrooms and aid our students in learning more about Philippine history, culture, language and values. This is Katipunan Episode # 1- Unang Kabanata: Teresa aired October 19, 2013.

Let us have more of this on Philippine TV!

Ang galing GMA News!

Monday, April 1, 2013

Free Download: Wasted by Gerry A

I found Gerry Alanguilan's Wasted and I'm sharing it thru my Scribd.

I've been looking for Filipino Komiks the last two weeks for my Pinoy Pop Culture Unit and almost all printed graphic novels in the bookstores are in English. It says much about the state of Filipino Language, our mother tongue.

Sunday, August 19, 2012

Ikaw ba si Margie?

The end of August is near and no thanks to the typhoons we've had and Habagat, we missed out on celebrating Buwan ng Wika and Buwan ng Bayani. As my way of taking part in spreading the love for my country I'm sharing this article. Taken and adapted from the book Tagalog for Beginners by Joi Barrios (2011).

Here is a part of Joi's Appendix 6 article called “Understanding Margie: The Filipino Heritage Learner”:

---------

Who is the heritage learner (HL)? In my opinion, almost all heritage learners are “activists” in the broadest sense of the world... Through observations, three in-depth interviews and a focused group discussion, I have come up with a composite character whom I will call Margarita Louella, with the nickname Margie. Why was she named Margarita Louella? Well, she was born in 1973, the year that Margarita Moran was crowned Miss Universe. Her mother’s name is Lourdes and her father’s name is Joel, thus the name Louella. In our attempt to understand the activist Filipino Heritage Learners (FHL), let us turn to Margie Louella, our composite character based on my interviews with six FHL learners.

Margie was born in the U.S. She grew up in either nuclear household with parents and siblings or in a single-parent household. Her mother speaks to her grandmother in Visayan, her parents speak to each other in Filipino, but they speak to Margie in English and the code-switching Taglish (or Tagalog English). There are three possible reasons for this use for Taglish : the neo-colonial relationship between the U.S. and the Philippines resulting in a colonial way of thinking among many Filipinos; the hegemony of the English language in the Philippines underlining disparities in class and status; and discrimination in the site of migration because of Filipino accents that mark the person’s ethnic identity and otherness. At four, Margie’s mother will speak to her saying, “Let ninang make subo you”. Ninang is the Filipino word for “godmother” and “subo”, the verb for “hand-feed,” is made English by attaching the English word “make”. Her mother Lourdes code-switches because of the following: she is the product of bilingual education; as a child, she was fined for speaking Filipino in School; and in speech classes, she had to repeat over and over. “This is an apple. This is an apple...” to get the perfect American accent.

In contrast, Margie’s father struggled with the language because he attended a public school in Cagayan twelve hours from Manila. He can read and write, but hesitates when he speaks because he is afraid of pronouncing words incorrectly. When Margie was growing up, he took English classes. One time, he got angry at Margie’s brother and said, “Lintik kang bata ka...” Years later, Margie would ask her Filipino teacher, “Why did my father call my brother lightning?”

Margie grows up knowing the Filipino words for objects, a few body parts, and people: kalamansi, adobo, lola. She also knows that the prefix mag- when accompanied by a verb in English renders the verb Filipino- “mag-toothbrush ka na” – especially when commands are given. She knows basic greetings like “Kumusta” and “Magandang Umaga” and “Salamat”. She watches a few Filipino movies but her household does not subscribe to the Filipino channel so she is not familiar with “Wowowee” (a Philippine variety show broadcast on ABS-CBN) nor addicted to any Filipino soap operas. Her mother tells her “Mahal Kita”.

It is in college that life changes for Margie Louella. To learn more about her identity, she enrols in a Filipino/Tagalog class. She watches Filipino plays on identity by Teatro ng Tanan; one is entitled "Tunggalian” (Conflict); and the other is based on Freddie Aguilar’s song “Anak.” As she dances the Tinikling at the Philippine Cultural Night (PCN) at her university, she also learns the favourite PCN word- diwa or “spirit.” She becomes fascinated with the word saing... sinaing (cooked rice), magsaing (to cook rice)- ah, there is a Filipino word for cooking rice, and many words about rice. She tries to learn the baybayin and considers getting a tattoo word “Malaya” (“Free”). She becomes aware of student issues and joins the campaign for Filipino American Studies and American Studies. She learns about the Filipino American history and the struggle of the farm workers. She becomes more involved in community organizing. At the Filipino Community Center, she greets the older people with “Kamusta po kayo?”

Margie Louella joins a Filipino American Political group. As her Political consciousness grows, she learns the word “hustisya,” and in political rallies can shout: “Makibaka, huwag matakot” (Struggle, Do not be Afraid!) and “Ibagsak!” (Down!). However, when one speaks to her in Filipino, her conversational ability is limited to five minutes. Margie Louella travels to the Philippines three times: First, to visit family, during the Christmas holiday season. She notices her relatives straining to speak to her in English. Second, she returns for three weeks, spending half the time with her family and the other half volunteering with Karapatan (literally “Rights”), a human rights organization.

However, when she attends a celebration hosted by the Amando V. Hernandez foundation (a non-government organization that gives writing workshops to workers and peasants) and listens to Filipino poetry, she realizes one thing - she does not know Filipino. She says to herself, “I do not want to end up like this... a person who does not know Inang Wika (Mother language).” On her third visit, she stays for five months, spending most of her time with peasant communities in the countryside. She learns more about the struggle of the Filipino people ----and calls it “paglalamay sa dilim” (“to work in the darkness of night”). She learns to sing songs such as “Rosas ng Digma” (the rose of war). She is touched as she leaves the community when they give her a despedida for her maligayang paglalakbay (Happy travels). Back in the United States, she corresponds with people in the Philippines. Through numerous exchanges of letters and e-mails, she learns more about written Filipino.

--------------

Sunday, July 22, 2012

SONA 2012 of President Benigno "PNoy" Aquino III

Bukas ng umaga, ika-23 ng Hulyo, and Presidente ng Pilipinas, si BS Aquino ay magbibigay ng kanyang State of the Nation Address para daw sa mga Filipino. Meron pa kaya siyang sasabihin sa atin na hindi natin alam na kalokohan lang? Meron pa kayang sasabihin ang pinuno ng Republika ng Pilipinas na hindi natin alam na kasinungalingan lang? Meron pa kayang sasabihin si PNoy, isang produkto ng dalawang pamilyang mayayaman, maimpluwensya sa larangan ng politika, negosyo at showbiz, na hindi natin alam na pampabulaklak lang sa kanyang administrasyon?

Meron pa nga ba?



Napatalsik ng administrasyon si CJ Corona dahil daw sa pagiging kurakot. Pwede, malamang at marahil totoo at naniniwala rin naman ako sa paratang sa kanya. Pero sa tingin mo ba si CJ Corona eh mapapatalsik sa pwesto nya kung isa sya sa mga bata-bata ng Aquino Administration?

Yung pinapalutang na balita ng administrasyon na pulis na nakabanggaan ng PSG convoy, pinatulan ba ng masang Pilipino? Hindi pero dapat lang mabigyan ng leksyon yung kupal na pulis na yon.

Heto magandang tanong, anong gagawin ng PNoy administration sa napabalitang katangahan ng mga opisyal ng gobyerno sa Zamboanga kung saan ginawang human stand ng electric fan ang dalawang bata sa inagauration ng three-storey, 27-classroom building sa Zamboanga City High School.  

Astig di ba?

Ipinapakita dito na importante na mahanginan ang mga opisyal ng gobyerno kapag sila ay naiinitan. Mga hunghang kayo, galing sa bulsa ng mga taong nagbabayad ng buwis ang ipinagpatayo ng gusali na yan!!!

O ano ngayon ang masasabi mo diyan PNoy?

Pampapogi na naman yan ihihirit mo!

Malinaw na pang-aabuso ng kapangyarihan yan at kawalan ng respeto sa kapwa tao!!!

Yung Spratly dispute, ano naman kaya ang ibibida sa atin ng bata nating si PNoy?

Sigurado ko sasabihin nya, atin yan at kailanman hindi natin ibibigay sa iba yan. Astig na naman ang dating mo diyan PNoy! Pero ano nga ba talaga ang ginagawa mo para maiayos yan?

Kaya mo bang makipagsabayan gaya ng ginawa ng Russia laban sa mga Instik nung pinasok nila yung karagatan nila? Pinagbabaril lang naman sila ng mga Ruso!

Oh baka naman hinhintay mo si Uncle Sam pati rin ang sasabihin ng Filipino-Chinese Business Community?

Yang mga negosyanteng Instik na yan na nakinabang ng husto sa bayan natin, tahimik di ba? At ang malupit, nangunguna pa sila sa pagsasabi na walang sinabi ang Pilipinas kung makikipaglaban tayo sa China. Pero mga hayup kayo, dito kayo sa Pilipinas nagpayaman, nagpaaral ng mga anak ninyo. Dito kayo Pilipinas nakaranas ng kaginhawaan at karangyaan, hindi sa labas ng bansa.

PNoy, ano pa nga ba ang ibibida mo sa amin?

Namatay si Pidol at pinilit mong pasayahin ang pamilya nya at ang dating mo sa taumbayan, mabuti ang pagpapatakbo mo sa Pilipinas. Ay sus, pwede ba iwanan nyo na yang issue na yan.

Bumabagyo, bumabaha at ang mga pamilyang nakatira sa lansangan ano ang ginagawa ninyo?

Ay sus!!!

SONA 2012 ni BS Aquino ano pa nga ba ang dapat nating marinig?

Yung pinapadalang pera ng mga OFW sa Pilipinas?

Saan naman napupunta?

Sa bulsa ni Congressman Manhik Manaog, sa bulsa ni Mayor, sa rancho ni Senator. Pero syempre di rin magpapatalo si Konsehal at Konsehala sa labanang yan, pati nga si Baranggay Captain dapat maambunan dahil opisyal sya ng gobyerno.

Sobra na 'tong mga katangahan ng Pilipinas, sobrang sobra na!

Ano magagawa ng Pilipino, yung Boss ni PNoy?

Wednesday, June 27, 2012

Alikabok at Agiw

Matagal-tagal na din ang di ko pagsusulat dito sa blog natin, meron na ring mahigit dalawang linggo. Kung sisilipin pa nga natin eh noong ika-labingdalawa pa ng Hunyo o ang Araw ng Kalayaan ng mahal nating Pilipinas.

Bakasyun ko ngayon at inasahan ko na mas marami akong maisusulat at maibabahagi dito pero kabaligtaran ang nangyari.

Nag-enroll ako sa Action Research class sa De La Salle-Manila kaya't tuwing Huwebes ng gabi hayun, nakaupo ako ng tatlong oras mula alas-sais ng gabi hanggang alas-nuwebe. Syempre research class yon, sandamakmak na reading tasks ang gagawin ko duon. Ika nga ng propesor ko na madre, ang dami ng babasahin mo eh sya rin ang dami ng maisusulat mo sa iyong concept paper.

Okey na okey sana kung binata ako at sarili ko lang ang iniisip ko at responsibilidad ko. Pero hindi nga eh, ang dalawa kong anak na lalaki naka-homeschool kaya syempre hand-on ako pati na misis ko.

Hindi rin ako tumigil sa binibigay kong chess lessons kay Shawn na paalis na rin ng Pilipinas.

Ang dami nang nangyari nitong bakasyun kong ito pero hindi ko rin naisulat sa blog na ito.

Nabawasan nga ng husto ang chess time ko online: chesscube at chessDOTcom.

Alikabok na nga ang pinagpag ko nung binuksan ko ang blog na ito. Yung mga agiw kinailangan ko na ring walisin.

Ano-ano nga ba ang mga nangyari sa akin ngayon?

Nag-recital si Freedom para sa piano lessons nya, nag-basketball lessons sina Miguel at Freedom. Ang daming field trips at ang daming household chores. Kinasal ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan at si misis inanyayahang umawit ng ilang kanta. Syempre ihahatid at susunduin ko sa mga praktis nya kasama ang mga ka-banda nya. Malayu-layu din yung praktisan nila. Tapos host pa kami ng 1st Kids Art group dito sa lugar namin. Ang dami.

Lahat ng ito buhay ng isang ama.

Pero hindi rin kailanman mawawala ang pagmamahal ko sa pagsusulat. Mapa-Ingles o Filipino   kailangan kong mailabas ito.

Tuesday, June 12, 2012

114th Philippine Independence Day

O sya sige makikisakay ako sa keyword trending online, Philippines celebrates its 114th Independence Day!

Malaya nga ba tayo talaga?

Eh sa istorya pa lang ng ating bansa ang gulo na di ba? Pati ang mga kung sino ang naunang presidente at kung pang-ilang presidente na si PNoy magulo din. Isama mo na rin ang tisoy na Philippine National Anthem natin, ang gulo.

Hindi rin naman lihim ang katotohanan na pinatira ni Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio di ba? At ang magiting na pintor na si Juan Luna ay binaril at pinatay ang kanyang asawa at ang kanyang biyenang babae sa Pranses.

Malupit na istorya ng ating bayan at ang mas malupit nito, pilit na ibinabaluktot ang katotohanan at itinatago sa mga Pilipino.

Nariyan pa ang mga kwentong kutsero at balasubas na sinasabi na ang Pilipinas eh isang malaking breeding ground ng ibat-ibang lahi.

Halo-halo ka'mo!

Natyempuhan ko isang dapit-hapon si Carlos Celdran sa Simbahan ng San Agustin dyan sa Intramuros habang dumidiskarte sya ng negosyo yang Intramuros Walk. Magaling si Celdran. Nasa kanya ang mga kakayahan na kailangan upang maging isang gabay para sa mga turista. At di basta gabay lang ha, may kasamang acting ito syempre. Magaling si Celdran.

At ang nakahuli sa akin ng kanyang matinding speech eh ang kanyang halo-halo speech kung saan sinasabi nya na ang disenyo ng San Agustin Church ay hindi kung ano man ang iniisip ng mga turistang iyon. Sinabi din nya na lumingon-lingon lang ang mga ito sa paligid at makikita na ang mga Pilipino ay halo-halong lahi.

Walang ipinagiba ito sa lumabas na patalastas o advertisement ng isang kumpanya na gumagawa at nagdidisenyo ng mga damit. Sinabi sa patalastas na iyon na para makasigurado kang world-class o global ang gilas o galing, eh paghaluin mo ang lahing Pinoy sa ibang lahi at hayun, Azkal ang lalabas dito. Yun nga lang, sexual harrasment cases eh baka maikaso.

Pero bilib ako sa mga tweets ni Manuel L. Quezon III o mas kilala sa kanayang online name na MLQ3. Ganda ng mga links na ibinahagi nya sa mga followers nya ngayong araw na ito. Salamat sa 'yo MLQ3. Hindi man ako sang-ayon sa pagiging miyembro mo sa diskarte ni PNoy, hanga ako sa iyong talino at galing.

Isa-isahin natin ang mga links na ipinamahagi nya:

Pero syempre marami pang dapat mailabas tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at ng mga Pilipino. Hanggat may nagmamahal sa bayan natin, ang katotohanan ay lalabas din. At bago ko tapusin ang post na ito, heto ang isang Animation ng Philippine National Anthem:

Sunday, June 3, 2012

Floods After the Rain

CJ Corona was impeached the other day and the Filipino Nation is rejoicing!

Today was the last of two days for the workshop "Spotting and Handling Learning Difficulty in the Regular Classrooms" with me and Ms. Sonia. This year's workshop and seminar was very successful in so many ways.

The feedbacks from the participants were very positive and realistic. The teachers from the Special Education department of St. Andrew's School of Paranaque were relieved and hopeful at the same time. Relieved that the regular classroom teachers were receptive the entire workshop and hopeful that the learnings from this workshop carry-on in their classroom practices.

Also today, in the middle part of the day, the rain poured and it felt like it wouldn't stop.

And the floods all over Metro Manila.

How are we, as a nation, tolerate poor governance?

We impeached Corona and the whole nation says the process is working. We run after "suspected" thieves in government positions but they use the law to evade conviction, mocking all of us and screaming to their heart's content "catch me if you can!".

Ambo is the first typhoon to have arrived in the Philippines for the year 2012. Have we learned from the past? Did we plan, during the summer season, for the rainy days? Obviously, PNoy was busy running after CJ Corona.

Governance in the Philippines really sucks. The basic services that should be provided for the Filipino people have always sucked. Poor medical services, poor educational program, poor social security services and poor safety and security program.

But think about it, it's the Filipino people who vote for these crooks in the government.

Sad but true, these TRAditional POliticianS are getting richer every minute of their time their offices while millions of Filipinos are dying and suffering due to poor government services.

After each rain comes the floods not sunshine and this will go on forever unless we learn from history. The masses must know and the masses must learn but above all, the Filipinos should take action to lift their lives out of this vicious, often fatal, cycle called corruption.





Monday, May 28, 2012

Seminar & Workshop @ St. Andrew's School 2012

I'll be in St. Andrew's School-Paranaque today and on Thursday with Ms. Sonia Mendoza to give another round of talk on Special Education. Ms. Sonia and I have been giving workshops and seminars since 2007  and somehow our tandem is working effectively.

For this year's edition, our topics will be more on Spotting and Handling Learning Difficulties in the Regular Classrooms. Although I've always been excited to do these endeavors, I feel I could have rested a bit more before plunging into action once more. Beacon School commencement happened last Friday with Mr. Jim Paredes of the APO Hiking Society gave the commencement speech on practical matters. I was glad he gave that kind of speech to our 8th graders. Going back to my previous statement, I wish this workshop could have been scheduled another week later. I never really had time to rest over the weekend as I needed to attend to personal stuffs.

But I'm ready, I'm just tired.

I haven't played online chess in a long while.

For today and on Thursday, I pray that everything will go smooth and that all of the participants, including us, will find it useful for in their classroom teaching.

Also, I think at 2 in the afternoon the the Senate Impeachment Court will resume and the buzz is that Senator Juan Ponce Enrile and his gang will be handing out their verdict over CJ Corona case. That CJ which showed the whole world the audacity to tell everyone this:

"The Chief Justice of the Republic of the Philippines wishes to be excused."

Because of this and the happenings right after he walked off the Earth, I mean walked out of the courtroom, he now is seen by the whole world as someone who used his medical condition to be excused from cross-examination. He also has become a member of the disgraceful "WheelChair Club" with former president GMA who used the wheelchair to show everyone that  they are sick and should not be bothered by these courtroom dramas.

Jessica Sanchez losses against an American, what the hell were you guys expecting? A non-American winning a contests for Americans? Please stop this craziness. And a video came out showing who strike first in the Raymart Santiago/Claudine Barreto-Ramon Tulfo fist fight over at NAIA. It was the couple's friend wearing a pink shirt.

And while all these TeleNovela is happening and satisfying the Filipino thirst for more comedies, the Philippines is doing badly in the Scarborough Shoal, no thanks to our government who would rather satisfy the demands of our foreign investors than promote our own interest.

Grace Lee continues to hug the limelight and Lourd de Veyra's shows continue to provide the only sane show in Philippine TV.

I need to go now before I forget, call time is 8 in the morning.

Friday, May 18, 2012

Pagtatapos ng Klase

Oo tama ang nabasa mong titulo ng post ko, pagtatapos ng klase. Pasensya na kung praning ang dating sa inyo, baligtad ang mundo ko. Habang ang karamihan sa inyo, mga nubenta'y kuwatro porsyento ng Pilipas, ay naghahanda na sa darating na pasukan ng klase ngayong Hunyo, ako at ang maliit na porsyento ng mga guro, mag-aaral at mga admistrador sa mga international schools dito sa Pilipinas ay naghahanda naman para sa aming summer break.

Sinusunod kasi namin ang tinatawag na Northern hemisphere school calendar kung saan ang bakasyon sa panahon ng tag-araw ay Hunyo hanggang Hulyo at ang balik-iskwela naman namin ay Agosto.

Halos tapos na ang panahon ng gawaan ng grades para sa aming mga estudyante. Natapagsumite na ang mga Middle School Years students ko ng kani-kanilang mga Summatives. Oo, summatives ang tawag namin sa mga major exams nila, at hindi ito paper and pencil test. Ang ibinigay kong mga requirements sa mga estudyante ko mula grades 6 hanggang grades 8 ay Video monologues kung saan kailangan nilang isalaysay sa wikang Filipino ang mga target vocab namin. Depende ito syempre sa klase.

Ang Grade 6 ay tungkol sa Pamilya at Kaibigan. Ang Grade 7 ay tungkol sa Serbisyo at Pamimili at ang Grade 8 ay tungkol sa Pamumuhay sa Pilipinas. Masaya ang aming mga units para sa ikatlong termino namin. At lalong masaya ang lahat dahil pagkatapos ng bukas, Biyernes, ika-18 ng Mayo, eh limang araw na lang bakasyon na kami. Oo, hanggang sa ika-25 na lang kami ng Mayo.

Masarap maging guro at lalong masarap maging guro sa iskwelahan na kung saan may sapat na resources para sa iyong pagtuturo.

Ang taong ito, 2011-2012, ay isang malaking rebelasyon para sa akin. Ngayong taon na ito kasi una ko naranasan magturo sa Middle School at unang beses ko rin naranasan magturo ng Filipino as a Second Language.

Masaya, hindi boring at lalong lalong nakakapagbigay buhay sa aking pagiging Filipino. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga tao na naisipang kunin akong Filipino Teacher mula sa pagiging Permanent Reserve Teacher ko sa PYP.

Oo, medyo bago ang mga acronyms na binabanggit ko sa inyo. Ang PYP naman ang ibig sabihin nito ay Primary Years Program. Ang MYP, PYP at DP at mga programa na isinusulong ng IBO o yung tinatawag na International Baccalaureatte Organization na ang punong opisina ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.

Kung hindi pa dahil sa Kursong Filipino ay di ko malalaman na ang salitang Filipino na "sa" ay isang napaprolific at felxible na salita. Ang "sa" ay mayroong siyam na gamit, kung ano ang mga iyon, sa ibang post ko na lang sasabihin.

O sya, kaya ko nga pala nasabi ang mga ito kasi tapos na ko gumawa ng grades at nakapaglaro ako ng 20-minute games sa ChessCube ngayong madaling araw. Dalawang laro, dalawang panalo. Yung unang panalo ko time forfeit kalaban ko at yung pangalawa nag-resign dahil sa heavy loss of materials.

Panoorin natin:

 

Thursday, May 17, 2012

Filipino Language for my Blog

With the introduction of DepEd K-12 curriculum this year and the proliferation of reading materials in Filipino like Bob Ong's books and Lourd de Veyra's seminal thoughts, works and words, I am forced (inspired na lang!) to write in Filipino after this post.

Can I do it? Will I have the vocabulary fund (word bank) to sustain this task?

I tried to go Filipino last time when I started my Pinoy sa Morocco Blog but somehow I went back to posting in English.

What if I go Taglish? Englog?

Whatever it is, I feel I should answer one basic question and that is "How will I express myself better using this blog, should I write in English or in Filipino?

Maybe I'll use both. I'll try.

With my one year experience as an MYP Language B Filipino Teacher tucked in under my belly, I thinkI should really move forward and use Filipino.

I'll really try.

Until then!


  

Wednesday, May 9, 2012

Hitler Reacts to Tulfo-Santiago Brawl

The Tulfo-Santiago brawl is still showing and Filipinos all over the world are watching! Here's the video just in case you haven't seen it yet.

We forgot all about Jessica Sanchez, Scarborough Shoal and the blatant Chinese claim that they also own the Philippines. I arrived home tonight and was welcomed with the words "Pa, nakakainis to si Raymart, paiyak-iyak pa sa interview!"

The issue has fueled the imagination of many and right now, the video uploaded by RonnVillanueva over at YouTube is gaining viewership by the minute. I just love the subtitles put in the Hitler movie and it summed up most of the problems and issues we have right now in the Philippines.

Here it is:

 

I've downloaded this one just in case it is removed from Youtube just like the TV5 T3 Episode where they gave threatening statement against Raymart Santiago and Claudine Barretto. I saw that episode and at first, the Tulfo Brothers made a disclaimer like in light of journalistic ethical blah-blahs. Then they took turns, giving the viewers and MTRCB shivers. Today, the Tulfo Brothers have been suspended!

And yes, Raymart replied with tears in front of the camera. This fine acting might give him that elusive FAMAS Award.

Imagine Claudine and Raymart, together with a friend in pink shirt giving Mon Tulfo the black eye and bruises? Bad for the Tulfo brand.

Empty warehouse? Airport and mall? I think Raymart should impose the house-arrest for the entire family.

Saturday, April 28, 2012

Minsan may Isang Puta

May 1 is right around the corner and every anti-establishment organization in the Philippines in the thick of preparation for the big day. They are fighting for every known right a worker has ever known. Fighting for the poor and impoverished, injustice to workers and wage hike have become so ordinary among Filipinos. We even find them annoying at times and uncultured but the fact remains, we should be vigilant against the systemic oppression the government and private companies doing against us, the laborers.

If we will not do this, who will? If not us, who? Fight for your rights and fight till the end. Remember, revolution starts with knowing you are responsible with your own destiny. If every Filipino realizes this, then there's hope for our country. The pervasive culture of "kanya-kanya" which has caused so much anguish for us will vanish.

Let me share this Mike Portes article-essay-turned-into-a-movie called "Minsan may Isang Puta" but before that, I'd like you to read what Mike has to say about it:

“Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com. The 2007 version is a response to the apathy and complete disregard of our kababayans to the worsening plight of our country. 
It’s been seven years since I wrote the article and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on an Indie film. “Minsan may Isang Puta” has also been studied in high schools, universities and colleges for PolSci, Filipino and Theater 12 subjects. 
“Minsan may Isang Puta” and all its entities have copyrights with the National Commission for Culture and Arts.
So here it is:

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.


Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.


Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.


Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.


Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!


Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.


Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.


Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.


Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.


Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.


Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.


Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.


Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.


Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?


Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.


Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.


Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”


Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.


Pilipinas nga pala.

Monday, November 28, 2011

Alamat ng Parol by Rene Villanueva

I wanted to use Rene O. Villanueva's Alamat ng Parol for my class readings in Filipino for the eight graders this week but I think it is "too heavy" for them. I was on my third paragraph when I decided, upon evaluation, that the material was indeed too much for their Filipino language skills. But instead of ditching the story, I thought of sharing the whole work here.

Alamat ng Parol is part of a compilation book called 12 Kwentong PAmasko by Rene O. Villanueva with illustrations of May T. Tobias. Published nad distributed by Tahanan Books for Young Readers.

Read and find out this gem from the master storyteller Rene Villanueva:


Alamat ng Parol
ni Rene O. Villanueva

Noong araw, may isang bata na Tiririt ang pangalan.

Tiririt ang ipinangalan sa kanya dahil nang ipanganak siya, may humuhuning ibon sa labas ng bintana habang nagpapalahaw siya ng iyak sa kauna-unahang pagkakataon. Pero dahil sa sobrang lakas ng iyak niya, halos walang nakapansin sa ibong iyon kundi ang tatay niyang pinagpapawisan nang malapot sa sobrang kaba!

Nang lumaki si Tiririt , saranggola ang naging paboritong laruan niya. Gustong-gusto ni Tiririt magpalipad ng saranggola. Kasi, akala niya’y wala nang ibang kailangan pa sa pagpapalipad ng saranggola kundi dalawang matutuling paa.

Pero ang talagang gustong-gustong-gustong gawin ni Tiririt ay hindi lang makapagpalipad kundi makagawa ng saranggola!

Kaya isang araw, pinuntahan ni Tiririt ang tatay niya habang nagkakayas ng kawayan para sa gagawin nitong papag. Ang tatay ni Tiririt ang pinakasikat na tagagawa ng papag sa buong Baryo Tanglaw.

“Tay, paturo naman pong gumawa ng saranggola.”

Dalawang bilog na bilog na titik O ang nakita ni Tiririt sa magkabilang pisngi ng tatay niya na nakapagitan sa isang pagkatamis-tamis na ngiti.

Pumutol ang tatay ni Tiririt ng ilang pirasong maninipis na patpat mula sa kawayan. Tapos ay pumasok ng kubo. Paglabas nito’y may dala nang kulay pulang papel de japon. May dala rin itong isang dakot na kaning lamig saka gunting.

“Heto ang kailangan natin, Tiririt, panoorin mo muna ako.”

Parang nagsasayaw ang mga daliri ng tatay ni Tiririt sa maliksing paggupit at pagtiklop ang mga daliri ng tatay ni Tiririt sa maliksing paggupit at pagtiklop sa pulang papel at sa paglalapat sa mga patpat ng kawayan; at pagligis ng mga butil ng kaning lamig para idikit ang patpat sa papel.

Ilang sandali pa, namamulagat si Tiririt sa nayaring saranggola ng tatay niya. Naisip niya, madali pala ang paggawa ng saranggola!

Pero hindi kaagad nakagawa ng sarili niyang saranggola si Tiririt, paano’y kailangang umalis ang tatay niya at magpunta sa bukid.

Nagtataka si Tiririt nang madilim na’y di pa rin umuuwi ang tatay niya. Siguru’y maraming ginagawa sa bukid.

Mataas at bilog na bilog na ang buwan nang mapansin ni Tiririt  na medyo alumpihit ang nanay niya. Di pa rin bumabalik ang tatay niya.

Kinuha ni Tiririt ang saranggolang ginawa ng tatay niya saka naghintay sa may punong-hagdan ng kanilang kubo. Napansin niya na unti-unti nang lumalamig ang hangin

“Disyembre na nga pala, malapit na ang Pasko,” sabi ng tatay niya sa nanay niya kaninang umaga.

Nakatulugan na ni Tiririt ang paghihintay. Wala siyang kamalay-malay na ang hawak-hawak na saranggolay parang umalagwa sa pagitan ng kanayang maliliit na kamay, nasabit sa baytang ng hagdan at napunit ang tadyang.

Kinabukasan, madilim-dilim pa nang marinig ni Tiririt ang mga iyakan at usapan sa loob ng kanilang kubo.

“Biglang lumaki ang ilog.”

“Pinulikat si Intin.”

“Lumusong si --------.”

“Hindi na lumutang muli.”

Nang lapitan ng nanay niya si Tiririt, napansin niyang pulang-pula at tila maga ang mga mata nito. Gustong magtanong ni Tiririt pero wala siyang nasabi. Kaya tahimik siyang pumasok sa loob ng kanilang kubo at nahiga siya sa papag na ginawa ng tatay niya. Sa pagkakapikit ni Tiririt, parang naramdaman niyang yakap-yakap siya ng tatay niya.

Ikukwento sana niya sa nanay niya ang napanaginipan niya pero natawa sa sarili si Tiririt. Bakit naman siya yayakapin ng papag? E wala naming mga kamay ang papag na kawayan, meron lang itong apat na paa.

Nagtaka si Tiririt dahil ilang ulit nang lumiwanag at dunmilim ay hindi pa rin umuuwi ang tatay niya. At halos hindi nagsasalita ang nanay niya kahit ilang gabi ring parang may handaan sa bahay nila. Ang daming-tao at ang liwanag! Pero inuman lang nang inuman ng kape ang mga naroon. At may mga nagdarasal.

Naisip ni Tiririt, Siguro, malapit na kasi ang pasko.

Isang gabi, habang nasa punong-hagdan ng kubo nila si Tiririt at muling naghihintay sa pagdating ng tatay niya, lumapit ang nanay niya at kinalong siya. ‘Yung kalong na parang halos yakap na rin. Dahil magkasalikop ang dalawang braso nito sa katawan niya.

“Tiririt, may ikukwento ako sa iyo.”sabi ng nanay niya matapos siyang siilin ng halik sa pisngi.

At nagkwento ang nanay niya kay tiririt tungkol sa unang Pasko. Tungkol kay Hesus ns ipinanganak sa isang sabsaban. Tungkol sa Tatlong Hari na ngahanap kay Hesus. At kung paano hirap na hirap ang Tatlong Hari bago nakarating sa sabsaban. Mabuti na lamang, isang bituin ang gumuhit sa langit. Maliwanag at may mahabang-mahabang buntot.

Ang saya-saya ni Tiririt pagkarinig sa kuwentong iyon. Kahit nagtataka siya kung bakit tumulo an gluha ng nanay niya sa kanyang balikat.

Kinabukasan, naglalaro si Tiririt sa pagawaan ng papag ng tatay niya nang Makita niya ang punit na saranggola. Nakalimutan na niya iyon. Siguro, dahil naging magulosa bahay nila makaraan ang gabing nabitawan niya sa antok ang saranggola  sa may punong hagdan.

Dinampot ni Tiririt ang saranggola. Gagawin ko uli. Ipapakita ko kay Tatay na maunong na akong gumawa ng saranggola, naisip ni Tiririt.

Kumuha pa siya ng ilang pirasong patpat ng kawayan. Saka niya sinimulan ang paggawa ng saranggola. 

Inalala niyang mabuti kung paano parang nagsasayawan ang mga daliri ng tatay niya habang binubuo ang saranggola. Minsang umahon, minsang lumusong sa hangin. Minsang lumapat sa papel; minsang humaplos sa kawayan. At nang nagsimulangkumilos ang mga kamay ni Tiririt; lumusong at umahon din ito sa hangin, lumapat din ito sa papel at humaplos sa kawayan. Parang  sumasayaw sa hangin at sa papel, habang nagupit at nagtitiklop ng papel de japon at nagliligis ng kanin para idikit ang papel at kawayang patpat.

Pinawisan si Tiririt. Bahagyang nanakit ang kanyang mga braso. Pero ang mga kamay niya’y parang maliliksi ri, tulad ng mga kamay at daliri ng tatay niya. Kaya lang, nang matapos si Tiririt, napuna niyang hindi kamukha ng saranggolang ginawa ng tatay niya ang nagawa niya.

Parang iba ang ayos, sabi ni Tiririt sa sarili. Parang bituin ang hugis.

Lalo siyang nagtaka nang subukan niya itong tayantanging sa hangin. Talagang malamig na noon, nararamdaman niya. Subalit kahit anong bilis ng takbo at hila sa pisi, ayaw tumaas ng kanyang saranggola.

Nalungkot nang bahagya si Tiririt.  Nagkamali yata ako...

Pero hindi siya nawalan ng tiwala sa sarili, dahil naalala niya ang ngiti ng tatay niya.

Ilang ulit sumubsob sa lupa ang “saranggola”  ni Tiririt. Pero hindi naman nasira. Nang magsawa siya sa pagtatangkang paliparin ang saranggola, pinulot ito ni Tiririt saka dinala sa loob ng bahay.

Nang madilim na’y naisip ni Tiririt na isabit ang kanyang saranggola sa may bintana, para pagdating ni 
Tatay, Makita agas niya ang ginawa ko.

Kumuha si Tiririt ng bangkong kawayan, gawa rin iyon ng tatay niya. Sumampa siya rito para maabot ang bintana. Dumukwang siya sa labas ng bintana saka tumingkayad sa bangko para maabot ang kawayang pagsasabitan sa kanyang saranggola. Muli, parang nagsayaw sa hangin ang kanyang mgaliliit na daliri 

Nailusot niya sa pagitan ng kawayan at pawid ang pising nakakabit sa ulunan  ng kanyang saranggola. 

Maingat niyang ibinuhol ang pisi. Para huwag malaglag sa lupa ang ginawa ko para kay Tatay.

Nang maikabit na ni Tiririt ang kanyang kakaibang saranggola, napansin niyang nilaro agad ng malamig na hangin ang dalawang malagong buntot nito. Bakit nga ba malago ang ginawa niyang buntot? At dala-dalawa pa?

Nang Makita ng nanay ni Tiririt ang kanyang saranggola, sinabi nitong kumukha iyon ng bituing nagturo sa Tatlong Hari sa daan papuntang sabsaban para Makita si Hesus.

Naisip ni Tiririt, sana’y ituro din ng saranggola sa tatay niya ang daang pabalik sa kanilang kubo.

Takang-taka si Tiririt nang kinabukasan, maraming tao uli sa kanila. Lahat ay nakatingin sa ginawa niyang saranggola. Tuwang-tuw silang lahat at hangang-hanga sa ginawa niya.

Pagkalipas ng ilang taon, marami nang taga-roon ang gumagawa ng tulad ng ginawa ni Tiririt, kahit hindi na umuwi ang tatay niya na noon lamang niya naunawaang hindi na pala magbabalik dahil nalunod sa ilog.

Pero hindi “saranggola” ang tawag dito ng lahat sa baying iyon. Hindi rin “guryon.” Kalaunan, ang ginawa ni Tiririt at tinawag  ng lahat bilang “parol.”

Sunday, November 27, 2011

Analyze this in Filipino

Here is a song that best describes a Pinoy out of luck or to be specific, out of money. Dough as they say, keeps the flow moving in this world. Thanks to Holden Caufield for everlasting thoughts on dough!

Yano's self-titled 1994 studio album is an eternal insecurity for Eraserheads' frontman Ely Buendia and I believe this is one of the reasons why.

Epic!

Monday, November 7, 2011

Story of Creation according to Pinoys

Philippine literature is as rich as our history and our very own version of the story of creation is as brilliant as the Pearl of the Orient:



Tuesday, November 1, 2011

The Monkey and the Turtle

Here is something which Dr. Jose Rizal inked hundred plus years ago, the story of the cunning monkey and the wise turtle:


Friday, October 21, 2011

Alamat ni Mariang Makiling

Hello there!

It has been weeks since our last post and I think the trending for our blog will stay that way for awhile. One post in two weeks or a bi-monthly notes from me. So far my existence have been filled by thoughts of Teaching Filipino among middle school students who share one commonality, they happen to live here in the Philippines but has English as their mother tongue.

I teach Filipino within the framework of Humanities curriculum with emphasis on language learning. So far I have had the chance of breaking-through the complexities of teaching a whole class of teenagers who'd rather not learn the language if given the chance not to. Sorry guys but he who doesn't know of foreign languages doesn't know their own, that according to Johann Wolfgang von Goethe.

We used three reading materials for this term and the latest one is about the mysterious diwata named Mariang Makiling:

ANG ALAMAT NG BUNDOK MAKILING
Sa isang mataas na bundok ay may mag-asawang Bathalang naninirahan. Sila ay may isang anak, si Maria. Si Maria ay kaisa-isang anak ng mga bathalang sina Dayang Makiling at Gat Panahon. Ang kagandahan ni Maria ay sadyang kahali-halina, lalo na sa paningin ng kanyang mga magulang. Siya ang tanging ligaya’t kayamanan nina Dayang makiliing at Gat Panahon.

Kahit na isang diyos, malayang nakakahalubilo ni Maria ang mga ordinaryong tao. Noong panahong iyon, ang mga bathala’t diyosa ay malayang nakikipagkuwentuhan at nakikisama sa mga taong mortal. Ang mga tao ay nakakahingi ng tulong sa mga bathala. Sila ay tinutulungan naman ng mga bathala.

Nakaugalian na ni Maria na mamili sa Talipapa. Ang kanyang kasuotan ay naaayon sa moda nang mga panahong iyon. Ang kanyang mahabang buhok ay napapalamutian ng bulaklak. Bawa’t makasalubong niya ay bumabati sa kanya dahil sa mapang-akit niyang mga mata. Ang mga kalalakihan ay yumuyuko sa harap niya tanda ng paggalang. 

Kasama ng dalawang alalay, ipinagpapalit ni Maria ang mga dala-dalang luya tulad  ng mga tela at iba pang gamit sa bahay. Hindi pa kilala noon ang pera. Sa araw ng palengke, hindi lamang mamimili ang nasa Talipapa. Naroon din ang mga mangangalakal na taga-ibang lugar. Dumarayo din sila sa Talipapa uang makipagpalitan ng mga kalakal. 

Isang araw ay napasyal sa Talipapa ang mga pinuno ng kahariang Bay. Si Gat Dula. Isa siyang maharlikang tao. Hindi siya namimili sa Talipapa. Siya ay si Gat Dula at ay nagpapalipas lamang ng oras. Nagkataon naman na si Maria ay namimili din ng araw na iyon. Nagkabanggaan ang kani-kanilang balikat nang kapwa nila kikilatisin ang isang pirasong mabalahibong balat ng hayop.Nagkatinginan silang dalawa. Yumuko si Gat Dula bilang tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin kay Maria. Waring nahihiyang ngiti lamang ang itinugon ni Maria. 

Simula ng araw na iyon ay hindi na mapakali si Gat Dula. Nabighani siya sa kagandahan ni Maria. Bumabalik-balik siya sa Talipapa sa pagbabakasakaling magkita pa sila ni Maria. Maraming araw din ang lumipas pero siya ay nabigong makita ang magandang dyosa. Hanggang isang araw, ang kanyang pananabik ay napawing lahat nang masilayan niyang muli ang kagandahan ni Maria. Wala siyang inaksayang sandali. Dahan-dahan siyang lumapit kay Maria at binati ito. Tinugon naman siya ni Maria ng isang napakatamis na ngiti. 

Magmula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa hanggang sa maramdaman nilang sila ay umiibig sa isa’t-isa. Nakalimutan ni Maria na isa siyang diyosa na hindi nararapat na umibig sa tao. 

Nagpatuloy ang matamis na pag-iibigan nina Maria at Gat Dula hanggang sa ito ay makarating sa kaalaman ni Gat Panahon, ang ama ni Maria. At siyempre pa, nagalit si Gat Panahon gayundin si Dayang Makiling. Labis na nalungkot ang ina ni Maria sa pakikipag-ibigan ng anak sa isang tao at hindi sa kapwa nila bathala.

Magmula noon ay pinagbawalan na si Maria na bumaba sa daigdig ng tao. Inalisan din siya ng kapangyarihang mag-anyong tao. Sabihin pa, labis itong ikinalulungkot ni Maria sapagka’t iisa lang ang kanyang puso at ito ay walang iba kundi si Gat Dula.Sa daigdig nama’y gayundin ang nangyayari kay Gat Dula. Tapat at busilak ang pag-ibig niya Maria. Madalas ay nakikita niya si Maria sa kanyang mga pangitain ngunit ito’y biglang naglalahong parang bula.

Biglaang nagkaroon ng digmaan sa kaharian ni Gat Dula. Nilusob sila ng mga kalapit na kaharian sa pamumuno ni Lakan Bunto. Buong giting na pinamunuan ni Gat Dula ang kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban. Nagapi nila ang mga kalaban at ni hindi lamang nagalusan si Gat Dula. Ang dahilan nito marahil ay sa kanyang inspirasyon, ang kanyang marubdob na pag-ibig kay Maria. Marami pang digmaan ang nakasagupa ni Gat Dula at lahat ng iyon ay kanyang pinagwagihan. Nagtatagumpay siya sa mga kalaban maliban sa kanyang pag-ibig kay Maria. 

Sa labis na kalungkutan, si Gat Dula ay nagkasakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Lahat ng ito ay nasaksihan ni Maria ngunit wala siyang magawa. Hiningi nya sa mga bathala na ibigay sa kanya ang kaluluwa ni Gat Dula at siya nama’y pinagbigyan din ng mga bathala. 

Nang mamatay sina Gat Panahon at Dayang Makiling, minana nina Maria at Gat Dula ang lahat ng kayaman at kapangyarihan ng kanayang mga magulang. Bilang pinuno, ipinagpatuloy ni Maria ang pagbibigay ng tulong sa kanyang nasasakupan. Tulad ng Gawain ng ina, ikinakalat ni Maria ang mga luya sa bakuran ng bawa’t bahay ng kanyang kaharian. Ang lahat ng ikinasal ay kanyang binibiyayaan ng mga kagamitan. 

Ngunit dumating ang panahon na ang kaharian ni Maria ay inabuso ng kanyang mamamayan. Ang iba sa kanila ay hindi na marunong tumanaw ng utang na-loob. Ang mga gamit na kanilang hiniram ay hindi na naibabalik kay Maria. Dahil dito, nagalit si Maria. Nagpasiya siyang baguhin ang lahat.Nagbigay siya ng ng mga bagong kautusan at batas. Ipinagbawal niya ang pamimitas ng prutas sa gubat. Dahil sa kalupitan sa hayop, ipinagbawal din niya ang pagpatay at pagbihag ng mga hayop. Ang sinumang sumuway sa kanyang batas ay kanyang parurusahan. At bawa’t pagsuway sa kanyang mg autos. Pinaiitim niya ang kalangitan at ibinubuhos ang malakas na ulan. Pagkatapos ay hahagupitin niya ng malakas ang kalabaw upang kumidlat. 

Ngayon ang bundok ng Makiling ay simbulo ang kapangyarihan at kagandahan ni Maria.    


For our class' jump-off activity, we watched the YouTube video of Alamat ng Mariang Makiling which I downloaded on my desktop:





Sunday, September 4, 2011

An Ass for an Ass: Editing James Soriano

Good Sunday to all of you!

Our posts regarding our beloved Filipino Language,  Sassa Mendoza and here, ignited some reactions from our readers and sent me comments which I'd rather not post here for fear of censorship from the MTRCB (joke!). I discovered the blog A Man in Manila by Migs Bassig and he gave Mr. James Soriano  the real meaning of love. An ass for an ass makes this world a better place to write in.

Migs, may I repost your work here titled Editing James Soriano?

If you can't be proud of your native language, how can you be proud of your own heritage?

Wednesday, August 31, 2011

Filipino Language according to Sasa Mendoza


Remember my post about the Filipino Language and how I told you that it was taking much of my time now as its student and teacher? Well, I spent my 4-day, long weekend working on: three journals, a test covering numbers, dates, directions, all about the Philippines and transcribing Travis Kraft's YouTube Video on Adobong Manok ---all in the name of Filipino as a Second Language classes for middle school students.

Ironically, while I was burning the midnight oil, a colleague of mine who happens to be teaching Filipino in the primary years of the same school where I teach, was irked by the comments of someone named Mr.James Soriano against our dearly beloved Filipino Language. Here's her shake and bait (--and take) on the issue:         

Hindi ako mahilig sumulat ng komentaryo. Hindi NA ako mahilig sumulat.  Sa tinagal tagal, wala pang isyu ang kumiliting muli ng imahinasyon ko, walang pahayag ang kumalap ng interes at walang balitang pumukaw ng mga natatagong damdamin upang naisin kong ilathala ang aking mga saloobin. Ngayon lang. Nabasa ko ang artikulo ni James Soriano noong isang araw. Hindi ko masyadong ninamnam. Kahit natabangan ako sa mga simbulat niya, kebs lang.

Kwentuhan muna tayo ng konti (bago ko kontrahin si Mr. Soriano, haha). Lumaki ako sa pamilyang Tagalog ang pangunahing gamit sa bahay. Pawang taga-Quezon ang mga magulang ko. Hanggang ngayon tangan tangan parin nila ang mga “malalalim” na salita. Ang pang araw araw na usapan ay para kang nagbabasa ng lumang nobela. Sa madaling sabi, nosebleed ang drama ko. Idagdag mo pa ang ilang beses na paalalahanan ng kataga ni Jose Rizal tungkol sa malansang isda. Pero, natuto kong mahalin ang sariling wika dahil dito. Gustong-gusto kong pinakikinggan ang mga usapan nilang tuwid ang daloy ng mga pinagtahi-tahing salitang Tagalog.  Hindi ko alam, pero may kakaibang dating sa akin. Hindi tulad ng iba, mas namamangha ako sa mga taong mahusay “managalog.”

Mahirap man paniwalaan, paborito ko ang asignaturang Filipino. Parating matataas ang mga marka ko dito. Ikaw ba naman ang magkaroon ng magulang na walking Filipino-English dictionary. Naging madali ang mga homework kong talasalitaan dahil hindi na ako nagbubuklat ng diskyunaryo. Tinatanong ko nalang sa nanay ko. Kaya ganon na lamang ang pagkadismaya ko tuwing ipipilit sa eskwela ang NO TAGALOG policy-- Iyong magbabayad ka ng beinte singko sa tuwing magsasalita ka ng Tagalog. Uso ata sa mga pribadong paaralan iyon noong kapanahunan ko.  Dalawang rason kung bakit nanggagalaiti ako: Una, sa murang edad, batid ko na ang kabalintunaang ito: mga Pilipinong batang pinagbabawalan magsalita ng Filipino sa Pilipinas. Hindi ko talaga maarok. Hindi ko gets. Pangalawa, parati kasi akong napapabayad. Nababawasan tuloy iyong baon kong salapi. Hmph. Wala naman akong problema sa paggamit ng Ingles sa recitation at komposisyon sa asignaturang Ingles at iba pa. Ang sa akin lang huwag namang ipagkait sa akin ang karapatan kong gamitin ito sa mga simpleng kwentuhan naming magkakaklase. Sabi nga ni Mr. Soriano “it is the language of emotion, experience and even of learning.” Sa akin simple lang: Filipino is the language of the heart, my heart. Dahil sa puso ng wikang Filipino ang patuloy na dahilan kung bakit ito pa rin ang pangunahing gamit ko. Hirap akong isalaysay ang tunay kong damdamin kung gagamitan ko ng Ingles. Kahit pa mapa-drama o komedy ng buhay ko, mas swak talaga pag Tagalog ang gamit. Kaya nga siguro may Taglish eh, kasi may salitang Filipino na kahit may English translation parang kulang parin kung ito ang gagamitin. Halimbawa, ang classic na “tusok tusok” the fishball. Subukan mong, “Poke the fishball?” Hindi eh.  Kung “Fishball on a stick?” Kulang. Iba pa rin yung TUSOK! Isama mo na rin iyong “I’ll make kwento.” I’ll tell you a story? Boring.  KWENTO! Isang salita lang pero malaman na.

Mahal ko ang wikang Filipino. Wala namang kaso sa akin kung Pilipino ka at hindi ka marunong managalog. Hindi naman mababawasan ang pagka-Pilipino mo. In English my friend, it doesn’t make you less of a Filipino if you can’t speak the language. If you WON’T at least try, now, that’s a different story. But I still I won’t take that against you. Teka, bakit biglang naging English. Mabalik tayo. PERO kung ang usapan ay mamaliitin mo ang mga taong gumagamit nito, diyan tayo magkakatalo. Hindi porke’t Filipino lang ang alam eh walang iaangat sa pamumuhay. Iyon pa ang nakalulungkot eh. Maraming Pilipinong Tagalog ang pangunahing salita na hindi nabibigyan ng pagkakataong maging matagumpay *sa sariling bansa na mas malaking porsiyente  PA RIN naman ay marunong managalog*dahil lamang hindi sila marunong mag-Ingles. Maaaring meron silang sapat na kaalaman at kabihasnan sa iba’t-ibang gawaing makabuluhan pero nababalewala ito dahil lamang salat ang kaalamanan nila sa Ingles, na sa opinyon ko pwede namang pag-aralan. Bigyan lang sana sila ng pagkakataon. Hindi porket hindi marunong mag-Ingles ay hindi na intelihente. PLEASE do not undermine our dignified “yayas”, “drivers” and “tinderas” just because they use their mother tongue IN their own country. I think someone should revisit his definition of LEARNED.

AKO ay Pilipino---sa puso, sa, isip, sa SALITA at sa GAWA. Iyan ang panata ng tunay na Makabayang Pilipino
And here is one more link you might find helpful Dear James Soriano.

Wednesday, August 17, 2011

The Filipino Alphabet

I tried for sometime, back in 2009 when I was in Morocco, to write my posts in my former blog called Pinoy sa Morocco in Filipino. I tried my best to sustain it but I couldn't. It was really embarrasingly difficult to admit that a Filipino like me, a graduate school level student could not write in Filipino.

Past forward to present, I worked on my Filipino and all about my country the Philippines. Knowing and identifying a problem is one thing but working on the solution to the identified problem should be the end goal. Filipinos have so many complains about our being Filipinos. From discipline issues to the systemic corruption in our society, I believe this lack of knowledge about ourselves is the root of all the problems we are facing. No wonder Filipinos grow up and die hating the Philippines.

Below is a compilation of notes made by a colleague of mine, Ms. Cecille Salvan about the basic rules of the Filipino Alphabet:


What letters are included?
VOWELS (PATINIG):

CONSONANTS (KATINIG)
NEW CONSONANTS

A, E, I, O, U
B, K, D, G, H, L, M, N, Ñ, Ng, P, R, S, T, W, Y
C, F, J, Q, V, X, Z


Borrowed or Foreign Words:
  • As much as possible, one looks for the equivalent or closest word equivalent to Filipino.
  • If there is no direct translation, one can use the foreign word, but should respell it into Filipino.
  • Names are not translated unless there is an existing equivalent, such as Estados Unidos for United States.
Reminders when spelling foreign words in Filipino:
  • Filipino does not have phonograms (vowel combinations that make up one sound). Long vowel sounds are combined with a consonant to create the long sound.
Consonants never double in Filipino.
There may be more than one way to say a certain word in Filipino. In these cases, your choice will depend on how you are using the word.

This post will be labelled under "Filipino Icons" and "The Filipino Language" so expect a lot of posts under this label. This blog is not "The Brown Man" for nothing. I have always wanted to promote my country thru this blog so this is another way to do that.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Free Internet Chess Server

FICS: Free Internet Chess Server