Monday, January 18, 2010

Cultural Activism

Sa takbo ng sistema ng mundo sa ngayon, importante na maisa-puso at maisagawa ang tinatawag na cultural activism. Ano nga ba ang Cultural Activism?

Ang sabi ng isang writer na si Jennifer Verson, ito daw ay ang:


"Cultural activism is campaigning and direct action that seeks to take back control of how our webs of meaning, value systems, beliefs, art and literature, everything, are created and disseminated. It is an important way to question the dominant ways of seeing things and present alternative views of the world."


Para mas madali, alamin natin kung sino-sino ang mga Cultural Activists sa Pilipinas na aking nakikilala base sa kanilang mga nagawa na at ito ang mga sumusunod:

1. Pinikpikan Band
2. Makiling Ensemble
3. Grace Nono
4. Joey Ayala
5. Popong Landero
6. At Marami pang iba.

Ano ba ang kanilang mga nagawa?

Ang mga isinulat kong banda o musikero ay umaawit at sumusulat nga mga awiting nagpapatungkol sa Pilipinas. Tungkol sa buhay ng mga Pilipino, mga gawain ng mga Pilipino at karamihan, ito ay nasa wikang vernacular.

Ang National Commission for Culture and Arts ang isa sa mga nangungunang ahensya sa pagpapalaganap ng ating kultura. Nariyan din ang iba't ibang Unibersidad at Kolehiyo na nagsusulong ng kaalaman ng ating bayan.

Marami nang ahensya ngunit tila yata walang nagiging mabuting prutas ang mga adhikaing ito.

Saan nanggagaling ang kapalpakang ito?

Ang National Identity ay isang elemento na kailangan linangin upang ang cultural activism ay mas madaling lumaganap. Mula sa mga bahay-bahay, baranggay, komunidad,bayan, rehiyon, paaralan, kolehiyo't unibersidad, mas makabubuti na ang pagbigyan ng pansin ay ang pambansang programa ukol dito.

Tara' na!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Free Internet Chess Server

FICS: Free Internet Chess Server