Thursday, January 14, 2010

Earthquakes Worldwide



Nakalulungkot malaman na ang ating mga kapatid sa planetang ito na mga nakatira sa Haiti ay nagdadalamhati sa nangyari sa kanilang bansa. Ang Haiti ay niyanig ng malakas na paglindol noong January 12, 2010 Tuesday. Heto ang portion ng entry ng Wikipedia tungkol sa detalye ng lindol:
"The earthquake occurred inland, on 12 January 2010, approximately 15 kilometres (10 miles) WSW from Port-au-Prince at a depth of 10 kilometres (6.2 mi) at 16:53 UTC-5[6] on the Enriquillo-Plantain Garden fault system.[25] Strong shaking with intensity VII - IX on the Modified Mercalli scale (MM) was recorded in Port-au-Prince and its suburbs. It was also felt in several surrounding countries and regions, including Cuba (MM III in Guantánamo), Jamaica (MM II in Kingston), Venezuela (MM II in Caracas), Puerto Rico (MM II - III in San Juan), and the bordering country of Dominican Republic (MM III in Santo Domingo).[1][26]"
Ang isang magandang bagay na nakita ng buong mundo ay ang mabilis at madalas na maaasahang makatotohanang pagbabalita ng mga taong naapektohan ng lindol gamit ang mga teknolohiyang dati-rati'y mga mayayamang bansa lamang ang mayroon.  Syempre pa't nanguna ang  mga  social networking sites like Facebook and Twitter. Malaking tulong din ang mga blogs ng mga blogger sa pag hahatid ng mga pangyayari sa bansang iyon.Marahil na rin dito kung kaya't mabilis naisawalat sa buong mundo ang pangyayaring ito.

So far ang YouTube ang pinakamadali at pinakamaraming video uploads about the Haiti Earthquake ad here is the link for that: Haiti Earthquake Videos.

Marami daw ang namatay sa lindol na ito. Mahigit isandaang libong katao or 100,00 and tinatantyang  nawawala o patay na. Kasama sa statistics naito ang mga Filipinos na nagtatrabaho sa Haiti as Peacekeepers ng United Nations.

Dito sa Pilipinas, nagkaroon ng lindol makailang-ulit na sa huling pitong araw kung kaya't ang aking unang ginawa ay nag search ako with my keyword search: Earthquakes in the last seven days. Akin namang natagpuan ang site na may opisyal na link at title na United States Geological Services or USGS kung saan   ang tag line nila na Science for a Changing World ay malaking tulong sa mga nais mag research tungkol sa science.

Matindi na namang sakuna ito at sa iba't-ibang panig ng daigdig ang mga natural calamities ang syang pangunahing dahilang ng maraming pagkamatay. Ngunit gaya ng mga ibang kalamidad, ang buong mundo'y tumutulong upang muling makabangon ang mga biktima ng ganitong pangyayari.

Sya nga pala, nag compile ako ng ilang mga websites para inyong mabasa ang mga kaalaman tungkol sa lindol. Heto sila:

1. Earthquakes
2. Latest Earthquakes inthe world
3. Earthquake Wikipedia
 
Ang panalangin ko, kung sakaling mangyari ang isang malaking  paglindol sa Pilipinas, sana kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Paalam muna sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Free Internet Chess Server

FICS: Free Internet Chess Server